Robin Padilla nagpaliwanag sa mga sinabi niya sa PGT kontestant na Koreano

Spread the love! Share!
  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Noong sabado sa PGT Season 6, lakas loob na sinabi ni Robin Padilla kay Kim Jiwan (20-anyos) na dapat ay marunong siyang magtagalog dahil ‘PGT o Pilipinas Got Talent’ ang kanyang sinalihan na dapat ay marunong siyang gumamit ng lenggwaheng Pinoy at dahil sampung taon na rin itong naninirahan sa Pilipinas.

“Wala akong pinagsisisihan kasi ako pumupunta rin ako sa ibang bansa. Kapag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung anong salita roon kasi bisita ka doon. Ikaw ang makikibagay.” Ayon kay Robin sa reporter.

Hindi rin matanggap ni Robin na hindi gaanong marunong ang Koreano sa tagalog sa kadahilanang sampung taong naninirahan dito sa Pilipinas.

“Kung pupunta ka dito sa Pilipinas at uutusan mo kami, at Iinglesin mo kami, sa banyagang pananalita, nagkakamali ka. Bayan ko ito at handa ako mamatay anytime para sa bayan ko. Kaya kung sasabihin mo sa akin na 10 taon ka na dito, at hindi ka pa rin marunong mag Tagalog, may problema ka.” Dagdag ni Robin Padilla.

Hindi sang-ayon si Robin na mahal ng Koreano ang Pilipinas dahil hindi ito marunong mag tagalog.

“Hindi mo puwede sabihin sa akin na mahal mo ang Pilipinas. Sabi niya mahal niya ang Pilipinas, may girlfriend siyang Pilipina pero hindi siya marunong mag-Tagalog?” -Robin Padilla

Pagkatapos ng ginawang talento ni Kim Jiwan ay nilinaw ni idol Robin sa kanya ang mga sinabi nito.

“Hindi ko naman siya inaaway. Sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya, ‘Ako parang tatay mo. Tandaan mo iyan. Mayroon akong kilalang Korean, si Ryan Bang, mas magaling pa sa akin mag Tagalog.’ Yun lang naman. Advice ko lang sa kanya,” -Robin

Pagkatapos ng mga mensahe kay Kim Jiwan ay nakakuha ito ng tatlong ‘Yes’ at isang ‘No’ na galing kay Freddie Garcia sa kadahilanang hindi na bago sa kanya ang nagawang talento.

Nagmensahe rin si idol Robin para sa mga bumatikos sa kanyang mga sinabi.

“Ganun talaga. Mahalin nila ‘yung Korean kung gusto nila. Wala namang problema sa akin ‘yun eh. Magpakamatay sila sa Korean kung gusto nila. Wala naman problema sa akin ‘yun. Kung tayong mga Pilipino ay hindi tayo magiging patriotic sa bansa natin, huwag tayong humingi ng pagbabago. Kung tayo mananatili tayong alipin ng dayuhan, kayo na lang. Hindi ako magpapaalipin sa dayuhan sa bansa ko. Hindi mangyayari ‘yun. Ako ang hari dito dahil bansa ko ito.”


Spread the love! Share!
  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares
  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

2 thoughts on “Robin Padilla nagpaliwanag sa mga sinabi niya sa PGT kontestant na Koreano

  • January 20, 2018 at 2:58 am
    Permalink

    Добрый вечер мы рекомендуем обратить внимание на веб-сайт магазина UGG Австралия в России. Угги в РФ на сегодняшний день являются очень популярной обувью и их принято носить в зимний период.

    Тем не менее, сегодня компания заполучила положительное отношение большинства и начала выпускать ассортимент разной обуви.

    У нас на сайте купить угги недорого в интернет магазине вы найдёте много интересных предложений. Следовательно, на сейчас есть sales на множество товаров.

    Отдельно необходимо отметить, что разные мужские и женские ugg находятся в распродаже.
    Угги, которые мы реализуем – считаются качественной обувкой, которую мы получаем от поставщиков.

    На сегодня в РФ это – диковинка. Выбрать доступные угги фирма ugg официальный сайт можно на ugg.msk.ru, ведь на портале представлен большой ассортимент UGG и не только.

    Необходимо добавить, что у нас на портале на этой недели новые поставки, где вы имеете возможность выбрать интересные варианты 2018 года.

  • February 22, 2018 at 6:33 pm
    Permalink

    guest test post
    bbcode
    html
    http://temresults2018.com/ simple

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *